(NI BERNARD TAGUINOD)
KUNG mayroong higit na nakinabang at yumayaman sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law ay walang iba kundi ang mga rice traders lalo na ang mga importers.
Ito ang pahayag ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos hindi tinupad ng mga rice importers ang pangako sa nasabing batas na bababa ng P7 ang bawat kilo ng bigas sa merkado.
“Present prices are only around P2 per kilo lower compared to previous year’s prices or a measly quarter of the promised P7 per kilo decrease under the rice liberalization regime,” ani Casilao.
Taliwas aniya ito sa nangyayari ngayon sa mga magsasaka sa bansa na patuloy na nalulugi dahil hindi na binibili ng mga rice traders ang kanilang mga anak sa dating presyo ng palay na P20 hanggang P22 kada kilo kaya napipilitan na lamang mga ito na ibenta sa P7 kada kilo hanggang P12 ang kanilang ani.
“While rice farmers were thrown into bankruptcy and indebtedness, the poor consumers are forced to buy more expensive rice,” ayon pa sa mambabatas kaya kailangan aniyang bawiin ng gobyerno ang nasabing batas.
“Bukod dito, hindi pa rin aniya ramdam ng mga magsasaka ang pangakong tulong mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na pinondohan ng P10 billion kada taon.
122