RIDERS NA KONTRA SA DOBLE-PLAKA PINADUDULOG SA KORTE

RIDERS12

(NI BETH JULIAN)

DUMULOG na lamang sa Korte Suprema.

Ito ang payo ng Malacanang sa mga motorcycle riders sa buong bansa kaugnay sa ipinasang Motorcycle Crime Prevention Act matapos magplano ang nasabing grupo na iakyat sa Korte Suprema ang kanilang pagtutol sa nasabing batas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, kung inaakala ng grupo na unconstitutional o labag sa batas ang Motorcycle Crime Prevention Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay iakyat na lamang ito sa korte.

Napag-alaman na kontra ang grupo ng mga motorcycle rider sa nasabing batas dahil mapanganib umano ang paglalagay ng malaking plaka sa harap ng motor.

“If they feel that it’s an unconstitutional they always raised up before the court,” wika ni Panelo.

Tiniyak naman ni Panelo na walang sisinuhin ang batas na ito kahit pa ang mga anak ng Pangulong Duterte na mahilig ding magmotor kasama na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa ilalim ng Motorcycle Crime Prevention Act, naglalayon na atasan ang motorcycle riders na maglagay ng malalaki at color coded na plate number sa harap at likod ng motorsiklo.

Isang paraan ito ng gobyerno para mapangalagaan ang seguridad ng mga nagmomotorsiklo at para mas madaling mahuli ang mga mga gumagawa ng krimen gamit ang mga motorsiklo at maging ang mga riding in tandem.

83

Related posts

Leave a Comment