(NI BERNARD TAGUINOD)
MATAPOS ang unang araw ng negosasyon ng mga kinatawan ng Kamara at Senado, tila nagkaroon na ng pag-asang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 Trillion budget ngayong taon.
Ayon kina House appropriation committee chair Rolando Andaya at Albay Rep. Edcel Lagman, bagama’t magkakaroon muli ng pag-uusap ngayong gabi (Martes), ay malaki ang pag-asang magkaroon na ng bagong budget.
“That’s the common agenda, that’s the bilateral objective to have this 2019 national budget sent to Malacanang for the President’s signature, the soonest possible time without further delay. We are still talking basta I am hopeful that there is light at the end of the tunnel,” ani Lagman.
Ganito din ang punto ni Andaya matapos magkapaliwanagan umano sa hindi pagkakaunawaan sa national budget matapos tanggihan ng Senado ang kanilang pag-itemize sa lumpsum na pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ipinaliwanag umano ng grupo ni Andaya sa mga kinatawan ng Senado na sina Senate Finance committee chairperson Loren Legarda, Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Gregorio Honasan ang kanilang ginawang pag-itemize sa lumpsum budget at isinatinig din ng mga ito ang posisyon naman ng mga senador.
“May punto sila, may punto rin naman kami at bottom line we wanted a new budget. Tama yung sabi ng ating Pangulo na get ourselves comfortable first.. mag usap kayo. Ngayong maayos na ang usapan we had a very good meal together shared a few laughs,” ayon pa kay Andaya.
Magrereport muna aniya ang mga ito sa kani-kanilang mga lider sa kani-kanilang kapulungan bago muling paghaharap Martes ng gabi kung saan umaasa umano ang mga ito na tuluyan na silang magkasundo para magkaroon na ng bagong budget.
“Gusto sana namin before the 29th (ng Marso) maibigay na namin sa (Malacanang) . Yun ang gusto namin target. The mere fact na may isa pang miting that speaks a lot na marami kaming pinagkaintindihan lahat. We are are in the finishing stages ng aming usapan,” ayon pa kay Andaya.
229