Riding in tandem talamak pa rin SENATE PROBE IKINASA SA SERYE NG PATAYAN

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Richard Gordon ang extra-judicial killings kabilang ang pagpatay ng riding in tandem sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa kanayunan na hindi nasasawata ng mga awtoridad.

Nitong Enero 18, nagsagawa si Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ng isang privilege speech saka kinondena ang sunod-sunod na patayan sa bansa na isinasagawa ng riding-in-tandem.

Dahil dito, nanawagan si Gordon sa awtoridad na kumilos kaagad upang matigil ang patayan at umapela upang maaresto at maikulong ang mga salarin.

“One killing is one too many. Alas, there are too many. They have no qualms shooting people in front of their family. They are not even afraid to shoot them in front of their children,” aniya sa kanyang speech.

Sinabi ni Gordon na umabot na sa 19 katao ang napatay simula noong Enero 1 na kinabibilangan ng ilang sibilyan base sa news monitoring ng kanyang tanggapan. Ilang patayan ang nangyari sa katirikan ng araw at kadalasan sa loob ng kanilang tahanan.

Inihalimbawa ni Gordon ang pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 20, 2020 at kay barangay tanod Joseph Labonera sa Floridablanca, Pampanga nitong Enero 4 na umani ng public outrage sa netizens.

“There are too many killing incidents but very few cases are being solved and pointed out that these assassinations will not stop if the public, especially the government, will not act on it,” giit ni Gordon.

Bukod sa justice committee, lalahok din sa imbestigasyon ang public order and dangerous drugs committee at finance.

Kabilang sa ipatatawag ng Senado ang kinatawan mula sa Supreme Court of the Philippines, Philippine National Police (PNP), National Police Commission (NAPOLCOM), Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iba pang ahensiya. (ESTONG REYES)

53

Related posts

Leave a Comment