ROAD CLEARING OPS PINALAWIG NG DILG

PINALAWIG pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hanggang Pebrero 15, 2021 ang deadline sa road clearing operations sa buong bansa.

Base sa inilabas na pahayag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, ito ay bilang konsiderasyon dahil abala ang mga lokal na gobyerno para sa kani-kanilang vaccination program laban sa COVID-19.
“The Department is fully cognizant of the urgency for LGUs to prepare their vaccination plans against COVID-19 that’s why the road clearing timeline is extended anew. This is, however, the last extension to be granted by the DILG,” pahayag pa ni Malaya.

Magugunitang matapos maglabasan ang mga ulat hinggil sa posibleng rollout ng mga bakuna ay inatasan ng DILG ang lahat ng LGU’s na bumalangkas na ng mga plano para sa kanilang inoculation program.

Lubha umanong matrabaho ang paghahandang kinakaharap ngayon ng mga LGU dahil nakapaloob sa kanilang mga programa bago ang actuall rollout ay ang pagkakaroon ng paghahanda sa risk communication plans, maagang vaccine communication campaign, master list ng priority vaccines, pagtukoy sa mga posibleng vaccination centers, available na mga cold chain storage, at iba pang requirements. (JESSE KABEL)

60

Related posts

Leave a Comment