PNP NAGLALATAG NA NG VACCINATION PLAN

HABANG halos nasa sampung libo na ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus at patuloy na inaantabayan pa ang delivery ng anti-COVID-19 vaccine ay binabalangkas na ng Philippine National Police kung paano ang gagawing pag-rollout ng mga bakuna sa kanilang hanay.

Nabatid kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOFT) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, pinag-aaralan nila ngayon ang pagkakaroon ng sariling vaccination plan sakaling maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Ltgen Eleazar, kasalukuyan nilang binabalangkas ang plano kung saan mayroon ding priority list ng units ng PNP na dapat unang mabakunahan.

Ayon naman kay MGen. Angelito Casimiro, director for Logistics, may plano na rin silang ikinakasa para sa pag-rollout ng COVID-19 vaccine sa sandaling mabigyan na ang PNP.

Sa datos ng PNP-ASCOFT nuong Sabado ng hapon ay umaabot na sa 10,594 ang bilang ng pulis na hinihinalang tinamaan ng COVID-19 kabilang ang 202 na posibleng infected, 107 na suspected at 476 na probable covid cases. (JESSE KABEL)

71

Related posts

Leave a Comment