ROAD USERS TAX TATAASAN NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

KASABAY ng pagdami ng mga sasakyan na itinuturong pangunahing dahilan ng tumitinding problema sa trapiko lalo na sa Metro Manila, tataasan na sa Kongreso ang buwis na ipinapataw sa mga may-ari nito.

Ito ay matapos ihain ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte House ang House Bill (HB) 1294 ang pagtataas ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala sa Road User’s Tax.

“The MVUC rates need to be adjusted in order to keep them updated and to ensure buoyancy of the revenue system to sustain sufficient funding for the provision of better infrastructure and social protection for the people,” ayon sa panukala ni Villafuerte.

Ibabase ang pagtataas ng Road User’s Tax o MVUC base sa inflation rate na naitala mula 2005 hanggang 2017 at kapag naging batas ay magkakaroon ng taunang pagtataas sa nasabing buwis.

Kung ang binabayaran ng may-ari ng pribadong sasakyan na walang 1,600 ang gross weight noong 2000 ay P800, ito ay ginawang P1,600 noong 2004 pero sa ilalim ng panukala ay magiging P2,912 na ito dahil ibinase ito sa inflation rate noong 2017.

Tataas pa ito ng 4% taun-taon dahil tumaas ang inflation rate noong 2018 ng 4%.

Ang mga binabayaran ng road user’s tax na P4,000 noong 2000,  na  naging P8,000 noong 2004 ay magiging P14,560 kung ibabase sa inflation rate noong 2017 at tataas pa ito ng hanggang P15,748 dahil sa mataas na inflation rate noong 2018 at 2019.

Ang mga magaganda at mahal na sasakyan ay mas matataasan ang sinisingil na road user’s tax taun-taon kapag nagpaparehistro ang mga ito kung saan ang pondong malilikom umano ang gagamitin sa paggawa ng mga karagdang kalsada.

 

289

Related posts

Leave a Comment