AMINADO si Senador Robin Padilla na nagkaroon siya ng pagkakamali sa naging aksyon nito nang ‘umiwas’ at tila nagpabida sa pagboto kay Senador Joel Villanueva bilang Senate Majority Leader noong ikalawang araw ng 19th Congress.
Sinabi ni Padilla na matapos ang pangyayari ay napuna niyang mayroon palang kultura at tradisyon na dapat sundin sa Senado at hindi na lang basta aakto.
“Ano lang, kailangan lang makibagay talaga ako. Kasi ayoko na maulit ang mga mali kong… para sa akin kasi, team player ako eh. Akala ko kasi noong una pwede ang ganoon na pag meron kang gustong reaction, pwede mo nang gawin. E may rules eh. Yun lang,” pahayag ni Padilla.
“Hindi naman mali na mali. Ibig sabihin parang hindi ganoon ang kultura. Ayokong lumabas ako sa kultura. Ang lumabas kasi may away kami. Wala kaming away,” salaysay pa ng senador.
Sa kabuuan, inamin ng mambabatas na masaya siya sa relasyon niya ngayon sa mga kapwa senador at sa trabaho sa kabuuan ng Senado. (DANG SAMSON-GARCIA)
115