ROTC DAPAT BUHAYIN- DUTERTE

(Ni LILIBETH JULIAN)

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga kabataan.

Sa kanyang pagharap sa Army Reserve Command sa Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang mangyayari sa bansa kung walang reserbang puwersa ang gobyerno na maaring hugutin kung kinalailangan.

Dahil inalis ang ROTC bilang requirement sa mga estudyante, wala nang mga kabataang Pinoy na marunong humawak ng baril at kayang ipagtanggol ang bayan.

Sa talumpati sa 35th Founding Anniversary ng Army Reserve Command, ipinaliwanag ng Pangulo na isang constitu-tional duty ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman kung paano makatulong sa pagprotekta sa bansa.

“Sa halip na matuto sa mga gawaing pandepensa, pagpa-party, pamamasyal at pag-inom ng alak at paghihithit ng yosi at pagtambay ang inaatupag ng ilang kabataan ngayon, kaya kailangang gawing mandatory na ang ROTC para matuto ang susunod na henerasyon na ipagtanggol ang bansa,” talumpati ng Pangulo.

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na magpasa ng batas para gawing mandatory ang ROTC sa senior high school o grade 11 at 12.

Sabi pa sa Pangulo, may reorganization na magaganap sa hanay ng mga sundalo pero ipauubaya na niya sa mga opis-yal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapaliwanag nito.

7

Related posts

Leave a Comment