Sa gitna ng ibinibidang anti-disinformation campaign – Farmers BBM NAGKALAT NA NAMAN NG FAKE NEWS

NAGSINUNGALING na naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang Department of Agriculture (DA) nang sabihin nito na tumatag na ang presyo ng palay at bigas ngayong panahon ng anihan.

Ito ang alegasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) dahil sa unang linggo ng anihan ngayong Oktubre, ay hindi naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa halagang P19 hanggang P23 kada kilo kundi sa mas mababa pang presyo.

“Marcos and DA is lying. Palay and rice prices have not yet stabilized. Palay prices remain low while rice prices in the markets are still expensive and unaffordable for ordinary consumers,” ani KMP chairman Danilo Ramos.

Magugunita na inatasan ni Marcos ang NFA na bilhin ang ani ng mga magsasaka sa halagang P19 sa fresh palay habang P23 sa dried palay subalit hindi umano ito nangyayari kaya napipilitan ang mga magsasaka na magbenta sa traders na mas mababa ang presyo.

Patunay aniya rito ang pahayag ng magsasakang si Reynaldo Marcos mula sa Malolos City, Bulacan na ang traders ang bumibili ng kanilang aning palay sa mas mababang presyo imbes na ang NFA.

“Mga trader ang bumibili sa amin ng palay. Hindi naman kami ang nakakapagtakda ng presyo. Dati kapag mababa ang presyo ng trader, nakakapagbenta pa kami sa NFA pero ngayon hindi na,” ayon kay Reynaldo.

Sa monitoring umano ng KMP, P18 kada kilo naibebenta ng mga magsasaka sa Albay ang kanilang ani habang P18-19 sa Nueva Ecija; P19-20 sa Laguna, P18 sa Mindoro Oriental at P22 sa Palawan.

Ganito rin sa Negros na nagbebenta sa mga pribadong negosyante ng P18-19 lamang kada kilo; P16-P17 naman sa Iloilo at P20 sa Zamboanga Sibugay.

“The Malacanang-imposed price cap did not help significantly lower rice prices, in fact, we registered a 14-year record-high rice price inflation of 17.9% last September from 8.7% in August,” dagdag pa ni Ramos.

Nangyayari aniya ito dahil sa Rice Liberalization Law na ayaw paamyendahan ni Marcos gayong ito ang nagpalugmok sa mga magsasaka sa kahirapan.

Matatandaang ibinida ng administrasyong Marcos ang planong labanan ang disimpormasyon.

Ayon kay Communications Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao, mga kabataan ang pinaka-expose sa internet dahil sa pagiging pinaka-social media savvy ng mga ito.

Ito ang dahilan ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kung bakit paiigtingin nila ang kampanya laban sa fake news.

Batid aniya kasi ng PCO na maraming mga Pilipino partikular na ang mga kabataan ang nahuhulog sa bitag ng “disinformation at misinformation.”

“So, sila po muna ‘yung unang-unang target namin before we move to other sectors,” ayon kay Ridao.

“Based on the findings of the PCO’s recent study, around nine of 10 Filipinos are either “victim of fake news” or having a “problem in their everyday interaction with information [and] media,” ayon pa rin kay Ridao sabay sabing “So, malaking number na po ito. This is enough for us to know that this is a problem that the PCO needs to answer.”

Dahil dito, makikipagtulungan aniya ang PCO sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) para palawakin ang Media and Information Literacy (MIL) modules na aniya’y available na sa mga paaralan.

Tinuran ni Ridao na may plano na palawigin ang MIL modules sa pamamagitan ng pagtaas ng kamalayan ukol sa

‘fake news peddlers’ gamit ang artificial intelligence (AI) sa pagpo-promote ng misinformation at disinformation.

Samantala, ang pagdiriwang ngayong taon ng Communications Month ay may temang “CommUNITY: Nagkakaisang Tinig Tungo sa Bagong Pilipinas,” nagpapakita ng pagkakaisa ng government institutions sa pamamagitan ng pagpapakita ng whole-of-government approach sa paglaban sa “misinformation at disinformation” habang pinangangalagaan ang “sense of unity” sa hanay ng mga kabataan at estudyante.

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

300

Related posts

Leave a Comment