Sa gitna ng maugong na destab plot BBM DUMALO SA AFP COMMAND CONFERENCE

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na “i-reconfigure” o muling isaayos ang pagtugon sa rebelyon, sakuna o kalamidad at usapin sa West Philippine Sea.

Sa gitna ng hindi humuhupang isyu ukol sa destabilisasyon, mismong ang Pangulo ang nagsabi na nais nitong dumalo sa command conference ng AFP nitong Lunes at magbigay ng kanyang gabay sa commanders sa field, ayon kay AFP chief Romeo Brawner Jr.

“He said that we needed to reconfigure our approaches to dealing with different threat groups,” ayon kay Brawner.

“We need to deal with communist terrorist groups, the local terrorist groups, the threats that we are facing in the West Philippine Sea, and of course yung mga natural disasters,” dagdag na wika nito.

Nais aniya ng Pangulo na makalikha at makabuo ang AFP ng makabagong pamamaraan sa pagharap sa mga nasabing hamon.

Gayunman, wala namang ibinigay na partikular na utos ang Pangulo kaugnay sa mga nasabing usapin dahil ayaw aniya ng Punong Ehekutibo na ma-micromanage ang military organization.

Samantala, sinabi ni Brawner na humina na ang guerilla fronts ng New People’s Army (NPA), nabawasan ito ng 11 habang 1,500 miyembro ang naiwan.

“We have given our commanders on the ground targets to dismantle the remaining guerilla fronts,” ani Brawner.

“But while there are no more active NPA guerilla fronts, the weakened groups are still a force to be reckoned with,” aniya pa rin.

(CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment