SAPAT NA SUPLAY NG KURYENTE SA 2025 ELECTIONS TINIYAK NG DOE

TIWALA ang Department of Energy na walang magiging problema sa suplay ng kuryente sa susunod na taon, partikular sa pagdaraos ng 2025 midterm elections.

Ito ay makaraang tanungin ni Senador Raffy Tulfo ang ahensya kung makakatiyak ang taumbayan na walang magiging brownout sa susunod na taon.

Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra na sa mga nakalatag na planta sa bansa ay inaasahang higit 4000 megawatts ng power supply ang papasok sa susunod na taon.

Kasama anya rito ang mahigit dalawang libong megawatts na conventional power supply habang mahigit 1900 megawatts ang renewable sources.

Tiniyak din ni Guevarra na binabantayan nilang maigi ang mga plantang papasok ngayong taon.

Inaalalayan din aniya ang mga ito ng ahensya sa paglalakad ng mga kakailanganin nilang permit at lisensya para wala na silang rason na hindi makapag-operate alinsunod sa petsa na ipinangako nila. (DANG SAMSON-GARCIA)

30

Related posts

Leave a Comment