(NI BETH JULIAN)
AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabahiran pa ng kurapsyon ang Sea Games.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung bakit mas gusto ni Pangulong Duterte na gobyerno na lamang ang humawak sa international sports event.
Sa November11 hanggang December 10 gaganapin ang SeaGames sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Matatandaan na lumabas na ang ilang ulat na ayaw ipahawak ng Pangulo sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee ang Sea Games na pinamumunuan ng chair nito na si Rep. Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Panelo na mabuti na rin naman na hindi na hawakan ni Cayetano ang Sea Games dahil magiging abala na ito sa Kamara matapos siyang iendorso ng Pangulo para maging House Speaker.
Nilinaw naman ni Panelo na hindi naman tahasang sinabi ng Pangulo na may umiiral na katiwalian sa Phisgoc at hindi rin naman sinabing kasama sa mga korap si FISGOC chairman Cayetano at sinabing tiwala pa rin naman ito sa nasabing kongresista.
150