SEC KINAMPIHAN NG CA VS RAPPLER

rappler12

(NI TERESA TAVARES)

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang desisyon ng  Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang certificate of incorporation ng news website na Rappler.

Iginiit sa 25-pahinang resolusyon ng Former Special Twelfth Division, ang pag-isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ng Rappler pabor sa isang dayuhang kumpanya ay paglabag sa konstitusyon.

Dahil sa ginawa ng Rappler, nabigyan ang Omidyar Network ng kapangyarihan na lumahok sa corporate actions at mga desisyon ng Rappler.

Ipinapaubaya na ng Court of Appeals (CA) sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagpapasya sa magiging legal na epekto ng pagdo-donate ng Omidyar Network sa mga pag-aari nitong Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa mga staff ng Rappler

Matatandaang binawi ng SEC ang certificate of Incorporation ng Rappler noong January 2018 dahil sa paglabag nito sa Konstitusyon na nagtatakda na ang mass media sa Pilipinas ay dapat 100-percent na pag-aari at kontrolado ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan daw kasi ng inisyung

PDR sa Omidyar Network Fund, nagkaroon ng kontrol ang mga dayuhan sa Rappler.

Ito ay bunsod umano ng kundisyong nakapaloob sa inisyung PDR sa Omidyar na nagsasabing obligado ang Rappler na sila ay konsultahin bago ito gumawa ng hakbang na makakaapekto sa kanilang karapatan bilang PDR holder.

Sa naunang desisyon ng CA noong Hulyo 2018, hindi nito pinaburan ang petisyon ng Rappler at sa halip, inatasan nito ang SEC na pag-aralan ang epektong ligal ng pagdodonate ng Omidyar Network ng lahat ng kanilang PDRs sa mga staff ng Rappler.

Sa mosyon ng Rappler, iginiit nito na ang hakbang ng Omidyar ay may “curative effect” sa kaso.

Pero sa resolusyon ng CA, tinukoy nito na ayaw nitong pangunahan ang magiging findings ng SEC.

Wala rin umanong batayan para bawiin ng CA ang nauna nitong kautusan sa SEC.

 

250

Related posts

Leave a Comment