JAMES UMAMIN; LIVE-IN NA SILA NI NADINE

nadine1

I SAY(NI RK VILLACORTA)

MALAMANG  ay proud na proud ang Ulan actress na si Nadine Lustre dahil sa pag-amin ng kanyang boyfriend na si James Reid na siya ang “pinakamatagal” niyang ka-relasyon.

Say ni James nang “ma-interrogate” ni Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice,” hindi niya naramdaman na tatlong taon na pala sila ng girlfriend.

May inamin din si James: “Yes, we live together.” Napasigaw ang studio audience, senyales na natuwa sila sa prangkang pag-amin ng binata.

Isa ang loveteam nina James at Nadine (JaDine sa mga fans) na very vocal at pinakaprangka sa mga kasabayan nilang loveteams.

Marriage for JaDine? Hindi pa siguro ngayon. Oks lang ang dalawa sa estado nila as live-in lovers-partners.

Break muna sila sa isa’t isa habang solo-solo silang naka-focus sa mga individual goals nila as actors.

Si Nadine, bida sa unang movie niya na Ulan directed by Irene Villamor minus James at si James naman ay naka-focus sa kanyang darating na concert sa Araneta Coliseum with Billy Crawford and Sam Concepcion at sa pagiging hurado sa upcoming “Idol Philippines” ng Kapamilya Network together with Regine Velasquez, Vice Ganda at Moira dela Torre.

By the way, ang pelikulang Ulan ni Nadine ay showing na SA Wednesday, March 13.

105

Related posts

Leave a Comment