(NI NOEL ABUEL)
PINAIIMBESTIGAHAN na ng ilang senador ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kung nakasusunod ang mga Chinese nationals sa itinatakda ng batas at tama ang binabayaran ng mga itong buwis na dapat makolekta ng bansa.
Sa inihaing Senate Resolution no. 85 ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto hiniling nito sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon kung nakakasunod sa rules and regulations ng bansa sa security, immigration, labor and gaming operations at tax collections.
“As of June 2019, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) reported a total of 56 licensed POGO’s contributing around 11 % to Pagcor’s income and employing around 100,000 to 250,000 Chinese nationals,” ayon pa sa resolusyon.
Nais din ni Recto na imbestigahan ang mga illegal POGOs na nag-o-operate sa bansa na nagbibigay din ng trabaho sa ilang illegal Chinese workers.
Maliban dito, hindi rin aniya katanggap-tanggap na ilang Chinese nationals ang abusado at nagpapakita ng masamang imahe na nangyayari hanggang sa kasalukuyan.
“Since last year, Filipinos were complaining about the reported unruly behaviour of some Chinese workers which has allegedly persisted up to the present,” ayon pa sa resolusyon.
Kasama rin sa nais imbestigahan ni Recto ang plano ng Pagcor na ilipat sa isang hub sa lalawigan ng Cavite at Pampanga ang mga POGOs na ikinabahala naman ng Department of National Defense (DND) sa pagsasabing security threat ang lokasyon ng mga ito.
139