(NI MINA DIAZ)
UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos nila sa susunod na linggo ang shipment ng mga gagamitin sa May 13 midterm elections.
Ito ay matapos ang paglilimbag ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan na aabot sa 61 milyon.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kasalukuyan nang isinasagawa ang pagbiyahe sa mga gagamiting election paraphernalia sa mga malalayong lugar sa bansa.
Sinabi ni Jimenez na ihuhuli na ang paghahatid ng mga gagamitin sa mga malalapit na lugar tulad ng iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Bukod aniya sa mga orihinal na makinang gagamitin, mayroon na ring mga contingency machine na nakaabang sa mga regional offices ng Comelec sakaling kailanganin.
Tiniyak pa ni Jimenez na wala nang magiging hadlang upang hindi matuloy ang halalan sa susunod na buwan.
163