SIMBAHAN, SALON BUBUKSAN SA JULY 10

SIMULA Hulyo 10 ay papayagan na ang pagsasagawa ng religous gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

ito ang inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa briefing kasunod ng naging pagpupulong kahapon ng IATF.

Nilinaw ni Sec. Roque na sampung porsiyento lamang ang maaaring mapahintulutang makadalo sa isang pagtitipon o aktibidad na may kinalaman sa relihiyon.

Epektibo ang bagong polisiya sa Hulyo 10 at ilalabas aniya ang kaukulang guidelines tungkol dito at sa iba pang mga aktibidad na pinahintulutan na rin in principle.

Ilan dito ay ang pagpayag sa mga football at basketball players na makapag-practice, makapagbukas ang mga travel agencies on a skeletal force at paghahatid ng iba pang serbisyo ng mga nasa salon at barberya bukod sa gupit tulad ng manicure at pedicure.

Samantala, ang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ simula Hulyo 1 hanggang 15 ay ang sumusunod.. National Capital Region, Benguet, Cavite, Rizal, Lapu Lapu City, Mandaue City, Leyte, Ormoc, Southern Leyte, Talisay City, Cebu; bayan ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu province. CHRISTIAN DALE

158

Related posts

Leave a Comment