SINDIKATO KUMIKILOS NA PARA SA 2025 POLLS

NAGBABALA si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa mga aspirante sa 2025 national and local polls na maging mapagbantay laban sa mga sindikato na nangingikil ng pera kapalit ng “madaling panalo” sa darating na halalan.

Sinabi ni Garcia, naka-monitor sila ng ilang lugar sa Luzon at Mindanao kung saan may mga indibidwal na nagsabing may kakilala mula sa Information Technology Department ng komisyon na humihingi ng hanggang P100 milyon para sa scheme.

“Sa mga kakandidato, whether incumbent o hindi, may kumakalat po ngayon na mga sindikato na umiikot na kaya daw nila kayong panalunin in a matter of minutes. Kahit daw kayo’y pumikit na at hindi na mangampanya at hindi na mag-ikot-ikot ay panalo na,” pahayag ni Garcia sa DzBB.

Sinabi ni Garcia na makikipag-ugnayan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa isyu.

Nangako rin si Garcia na tutulong ang Comelec sa legal na proseso laban sa mga sindikato sa sandaling maaresto ang kanilang miyembro.

“Sana kapag ‘yan lumapit sa inyo, arestuhin niyo agad at tutulong kaming i-prosecute ang mga taong ‘yan,” dagdag pa ni Garcia.

(JOCELYN DOMENDEN)

25

Related posts

Leave a Comment