SINSERIDAD NI SISON KINUWESTIYON SA ONE-ON-ONE KAY DU30

joma12

(NI CHRISTIAN  DALE)

PATUNAY lang na walang sinseridad si CPP/NPA founding chair Jose maria Sison sa pakikipag-usap tungkol sa kapayapaan kung tatanggi ito sa hamon ng pamahalaan na one-on-one talks ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng muling pagsisikap ng gobyerno na makipag-usap sa grupo ng makakaliwa.

Ayon kay Panelo, matibay ang paninidigan ng pamahalaan na dapat maganap dito sa Pilipinas ang pag-uusap ni Sison at ng kanyang dating estudyante na si Duterte at mula doon ay mapagtibay ang isang kasunduan na may kinalaman sa kapayapaan.

Sabi ni Panelo, malaya din daw si Sison na makababalik ng The Netherlands pagkatapos ng kanilang pulong ng Pangulo sa gitna ng pagtiyak na hindi ito aarestuhin sakaling bumalik ng bansa para sa kanilang one-on-one meeting ng Chief Executive.

Hindi na rin aniya kailangan pa ng peace panel mula sa gobyerno o sa grupo ng komunista sa sandaling matuloy ang one-on-one meeting ni Joma at ng Pangulo.

135

Related posts

Leave a Comment