(NI BETH JULIAN)
TIYAK nang maiibsan ang pang aabuso sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.
Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang tutukan pa ng gobyerno ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Pinirmahan na ng Pangulo ang Republic Act No. 11299 na nag aatas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtatag ng social welfare attaches sa mga bansang mataas ang bilang ng mga Filipino.
Sa ilalim ng batas, mapabibilis nang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga OFWs na naghahanap ng psychosocial services tulad ng mga biktima ng illegal recruitment, rape, at iba pang pagmamalabis ng kanilang mga employers.
Trabaho rin rin ng SWD ang maghanda ng mga katangian ng mga mapipili sa diplomatic post at ang mga bubuo naman ng implementing rules and regulations ay ang DSWD, DFA, DOH, DOLE, at POEA.
129