SOLON: ‘BATANG QUIAPO” NI COCO MARTIN MAPANAKIT SA MUSLIM

PUMALAG ang isang Muslim congressman sa isang episode ng Batang Quiapo serye ng aktor na si Coco Martin na naglalarawan ng hindi magandang imahe sa mga Muslim.

Sa statement ni Lanao del Sur Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong kahapon, inamin nito na nasaktan siya sa episode ng Batang Quiapo kung saan isang Muslim ang kumunsinti sa pagnanakaw.

“In the episode, Muslim characters are depicted as harboring and condoning theft, under the pretext of using stolen goods to help others,” pahayag ni Adiong.

“Furthermore these same characters not only own guns, but have such a notorious reputation to police officers that the latter would give up the pursuit of a thief who has sought refuge with them,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na isang malinaw na discriminatory, derogatory at nakasasakit sa Muslim community ang binabanggit nitong episode sa nasabing TV series.

Ipinaliwanag ng mambabatas na malaking kasalanan sa Islam ang pagnanakaw.

Ang serye ni Coco na kinunan sa Quiapo kung saan naroroon ang Golden Mosque na mayaman umano sa kasaysayan kaya masakit para sa kongresista ang paglalarawan sa Muslim.

“We cannot abide by such acts which perpetuate harmful stereotypes that have no place in our society. The Muslim community is a diverse and vibrant group that has made significant contributions to the progress and development of our nation. To ignore this fact and portray us in a negative light is a disservice to our community’s long-standing presence in this country and to the values of respect and inclusivity that we should all strive to uphold,” ayon pa kay Adiong.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na bantayan ang mga ganitong palabas upang maproteksyunan ang mga Muslim.

Umapela rin ito kay Martin na siya ring director ng serye na ikonsidera ang karapatan at kapakanan ng mga Muslim sa kanilang proyekto. (BERNARD TAGUINOD)

484

Related posts

Leave a Comment