(NI BERNARD TAGUINOD)
MISTULANG ikinabanas ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng atensyon ng media sa awayan ng mga magkakapatid na Barreto na nagpapahina lamang aniya sa ‘nation’s social fiber’.
Sa isang statement, sinabi ni House deputy speaker Rodante Marcoleta ng 1Sagip party-list, hindi dapat aniyang bigyan ng atensyon ang mga away ng Barreto sisters na ilang araw nang laman ng mga balita.
“These news and interviews on the private life of each of the siblings and their kin undermine the sacred provisions of the Constitution on family and marriage as foundations of our social institutions”, ani Marcoleta.
“Truth is, news outlets should find it unflattering to be sensationalizing whatever apparent family feud these sisters were into as this constitutes an affront to two fundamental institutions, namely, family and marriage,” dagdag pa ng mambabatas.
Magugunita na tuluyang sumabog ang matagal nang away ng magkakapatid na Barreto na sina Gretchen, Marjorie at Claudine sa burol ng kanilang ama kamakailan, sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinagpistahan ito ng media at hanggang ngayon ay patuloy na pinag-uusapan, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa at walang ibang sinisisi dito ng kongresista kundi ang media.
“Given the media’s ‘Journalist’s Code of Ethics, if such indeed exists, the Barretto sisters should have been left on their own instead of undue media hype. Let us leave them alone as we keep the family and marriage revered and held in great respect at all times,” ani Marcoleta.
313