Solon pinatitiyak na walang kasunduan sa Ayungin PAGBAKLAS SA BARKO PINANGAKO SA CHINA?

NAIS mabigyang linaw ng isang mambabatas sa Kamara na walang kasunduan ang Pilipinas at China patungkol sa pamamalagi ng barko ng bansa na nagsisilbing himpilan ng mga sundalong nagbabantay ng teritoryo sa Ayungin Shoal.

“The claim of China that there is supposed commitment made should be clarified because it is evident that the Philippines solely has sovereign rights in the Ayungin Shoal,” ani Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III.

Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na may pangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Tanging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsalita na walang commitment ang Pilipinas na tanggalin ang nasabing barko na sadyang isinadsad at ginawang garrison ng Philippine Navy para bantayan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Gayunmpanan, hindi pa aniya nagsasalita ang Malacanang partikular na si Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito kaya dapat linawin ang isyung ito lalo na’t nakataya rito ang interes ng bansa.

“The statement (ng China) is absurd, but then again, it is coming from a Chinese official which then begs a question,” ayon pa sa mambabatas.

Para kay Cabochan, hindi magsasalita ang China kung walang ipinangako sa kanila ang kasalukuyang administrasyon.

Simula nang maging Pangulo si Duterte ay pinalakas nito ang relasyon sa China na ayon sa mga kritiko nito ay sinamantala ng huli. (BERNARD TAGUINOD)

2

Related posts

Leave a Comment