Solon sa CAAP, DOTr HINDI LANG SORRY, MAGBAYAD KAYO!

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI sapat ang salitang sorry para maabswelto ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kahihiyang tinamo ng bansa at perwisyong dulot sa humigit kumulang 56,000 bunsod ng kapalpakan sa operasyon ng paliparan noong Enero 1.

Bukod sa CAAP, nanawagan din si House Minority Leader Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation na tumbasan ng danyos ang perwisyong inabot ng mga apektadong byahero.

“Apology without compensation is insufficient,” ani Herrera, kasabay ng giit na kapalpakan ang tanging dahilan sa likod ng aberya sa NAIA.

“The government can devise a system to compensate the passengers for the inconvenience they suffered. There is actually no amount of financial compensation that can fully make up for passengers who missed moments with their families that they can never get back—New Year’s Day, birthdays, weddings, and other special events,” ayon sa mambabatas.

Bakasyon muna

Kaugnay nito, posibleng ‘pagbakasyunin’ ang mga opisyal ng CAAP sa pangunguna ni Director General Manuel Antonio Tamayo dahil sa aberya sa NAIA.

Ito ang tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa suhestiyon ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na mag-leave of absence muna si Tamayo at deputies nito upang maiwasan na mauwi sa whitewash ang imbestigasyon sa pagpalya ng Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System.

“We will consider asking those people involved to take a leave of absence,” ani Bautista pagkatapos aniyang makuha ang lahat ng mga ebidensya.

Hindi napigil ni Rodriguez ang kanyang emosyon dahil mistulang walang umaako ng responsibilidad sa nasabing aberya dahil hindi pa nagbibitiw sa puwesto si Tamayo at maging ang mga deputy general nito.

Lalong nainis ang mambabatas dahil noong una, itinuro ng CAAP sa uninterruptible power supply (UPS) ang aberya ngunit sa pagdinig ng Kamara ay sinisi naman ang pagpalya ng circuit breaker.

“I am not calling for the resignation of our Director General but in fact that honor left with him is to resign but I am not calling for him to resign,” ani Rodriguez.

Sa halip na magbitiw ay magbakasyon na lamang muna aniya ang opisyal.

116

Related posts

Leave a Comment