SOLON SA HOG FARMERS: MAKIPAGTULUNGAN SA DA

hog55

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO)

UMAPELA si Rizal Rep. Fidel Filipe Nograles sa mga hog farmers sa Montalban, Rizal na makipagtulungan na lang sa otoridad upang hindi lumala ang problema sa kanilang kabuhayan.

Ginawa ni Nograles ang pahayag  sa gitna ng mga pangambang nagkaroon ng swine flu dahil sa pagkamatay ng dalawang baboy kaya isinailalim sa Department of Agriculture (DA) protocol ang tatlong barangay sa Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose.

“While the DA has yet to confirm the cause of these deaths, it is in the best interests of all hog farmers to strictly comply with DA-BAI (Bureau of Animal Industry) directives regarding the matter,” ani Nograles.

Sa ngayon ay iniimplementa ng ng DA-BAI ang 1-7-10 policy kung saan hindi pinapalabas ang mga baboy na nasa loob ng 1 kilometro mula sa lugar kung saan may namatay na baboy habang ang mga hayopn na mula naman sa 7 hanggang 10 kilometro ay mahigpit na minomonitor.

“The priority now is to prevent the spread of whatever is causing these deaths to other parts of Montalban,” ni Nograles dahil malaking problema umano kung hindi makontrol ang swine flu sakaling ito ang ikinamatay ng mga baboy sa Montalban.

Nabatid sa mambabatas na ang Calabarzon o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang ikinalawang rehiyon sa buong bansa sa may pinakamalaking hog production.

Nabatid na noong 2018, ang hog production sa bansa ay umaabot sa 2,319,764 metric tons, kung saan 381,590 metric tons dito ay mula sa Calabarzon at  89,576 metric tons dito ay mula sa lalawigan ng Rizal.

Nagkakahalaga umano ito ng P268 Billion na mas mataas ng 10.8% sa P241.9 Billion na naitala noong 2017.

“If we allow this affliction to spread to other towns, other provinces in the region, this will deal a heavy blow to the swine industry. Our neighbors are now depending on us in the district to do our best to limit the damage caused by this disease,”ayon pa kay Nograles.

371

Related posts

Leave a Comment