SOLONS NAG-WORKSHOP SA MARIJUANA BUSINESS?

mj1

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAY duda ang isang mambabatas na marami sa kanyang mga kasama sa Kamara ang gustong pasukin ang negosyo sa medical marijuana kaya nag-field trip ang mga ito sa Canada at Amerika para pag-aralan na ang negosyong ito.

Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, isa sa mga kontra sa medical marijuana bill, marami umano sa mga pulitiko ang may planong pasukin ang negosyong ito kaya ngayon pa lamang ang pinag-aaralan na nila ito.

“Several lawmakers want to legalize medical marijuana because they themselves are eager to go into the business of cultivating the illegal drug and running dispensaries, “ ani Atienza.

“There are politicians who want to profit from legalized medical marijuana. This is clearly all about money – lots of money,”  dagdag pa ng mambabatas kaya may mga kasamahan sa Kongreso ang nagfield trip na sa Canada at Amerika.

Gayunpaman, hindi nagbanggit si Atienza ng pangalan ng kanyang mga kasama sa Kamara ang pumunta o nagfield trip  sa Canada at Amerika para pag-aralan ang negosyong ito.

Ang dalawang nabanggit na bansa ay nagpasa na ng batas para sa medical marijuana na gustong gayahin ng Pilipinas para matulungan ang mga may sakit na ang gamot ay mula lamang sa nasabing damo tulad ng epilepsy.

Subalit ayon kay Atienza, kanyang kokontrahin ang nasabing panukala kahit pa tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang medical marijuan law kapag ipinasa na ito ng Kongreso.

“Marijuana is a poison. No amount of sugar-coating will make the illegal drug less toxic,” ayon pa sa mambabatas kaya hindi umano nito papayagan na maging batas ang nasabing panukala.

Ang marijuana bill o House Bill 6517 na tinawag na Philippine Compassionate Medical Cannabis Act ay isinantabi noong magpalit ng liderato ang Kamara noong Hulyo 2017 subalit muling umingay ito nang magpahayag ng suporta si Ms. Universer Catriona Gray sa panukalang ito.

159

Related posts

Leave a Comment