SOTTO MULING NAIHALAL BILANG SENATE PRESIDENT

(NI ERNIE REYES/PHOTO BY DANILO BACOLOD)

MULING naihalal bilang Senate President si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III sa unang sesyon ng 18th Congress.

Naunang binuksan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang sesyon saka nagkaroon ng nominasyon

Walang tumutol sa nominasyon ni Sotto, ngunit ayon kay Minority Leader Franklin Drilon, nagpahayag ng botong abstain sina Senador Risa Hontiveros at Francis Pangilinan.

Kasunod nito, nanumpa si Sotto sa kanyang sariwang mandato sa pangunguna ni Sen. Panfilo Lacson.

Kasama ni Sotto ang kanyang kabiyak si Helen Gamboa at kanyang anak na si Lala Sotto.

Nauna rito, nanumpa ang lahat ng bagong halal na senador, sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, Ramon Revilla, Lito Lapid, Francis Tolentino at Imee Marcos.

Nanumpa rin ang reelected senators na sina Senador Grace Poe, Nancy Binay, Koko Pimentel, Cynthia Villar, at Edgardo Angara.

 

 

 

 

 

114

Related posts

Leave a Comment