(NI BERNARD TAGUINOD)
KUNG mayroong ospital para sa mga bata o ang National Children’s Hospital, kailangang magkaroon din ng pagamutan para lang sa mga matatanda upang mabigyan ang mga ito ng ibayong atensyon.
Ito ang nakasaad sa House Bill 3939 na inakda ni House minority leader Benny Abante dahil wala umanong special hospital sa mga matatandang tulad ng pagamutan para mga bata.
“Filipinos are most vulnerable to health issues when they are very young and when they are very old, but while the the country has the National Children’s Hospital to address the needs of the young, it does not have a counterpart for the nation’s close to nine million senior citizens,” ani Abante.
Ayon sa mambabatas, 8.2% sa 104.9 million Filipino ay edad 60 anyos pataas subalit pagdating ng taong 2030 hanggang 2035 ay aabot magiging 14% a ang kanilang populasyon.
Dapat aniyang paghandaan ito ng gobyerno kaya kailangang magtayo ng National Hospital for Elderly upang matiyak na mapangalagaan ng maayos ang mga ito kapag sila ay nagkakasakit.
“Given how much our senior citizens have contributed to our country, they deserve our care. Benefits like senior citizen discounts and the like are helpful, but we should not stop there,” ayon sa kongresista.
Sa ngayon ay mayroong National Center for Geriatric Health (NCGH) na binuksan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010 kung saan nakapokus ito sa geriatric health ng mga dumaraming bilang ng mga matatanda.
Nasa ilalim ito ng Jose Reyes Memorial Medical Center at nakatayo sa San Miguel Manila subalit hindi umano maituturing na hospital for elderly dahil pawang mga outpatient lamang ang kanilang nabibigyan ng serbisyo.
“Unfortunately, this hospital is not operational because of the absence of a law that allows for its operations,” ayon pa kay Abante.
312