(NI BETH JULIAN)
MULING nanawagan ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa mahigit 100,000 employers na samantalahin ang Contribution Penalty Condination Program.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, hanggang September 6 na lamang ang deadline ng pagkuha ng condonation program.
Napag-alaman sa ilalim ng programa, ang hindi nagbayad na mga employer para sa kanilang mga empleado ay hindi na sisingilin ng SSS ng penalty, sa halip ay pagbabayarin na lamang ng mga unpaid premiums.
Pahayag ni Ignacio, hanggang July 2019, umabot na sa P795 milyon ang unpaid premiums ang nakolekta ng SSS mula sa 31,000 employers o katumbas ng 307,000 na empleyado saan nasa P1.67 bilyon halaga ng worth of penalties ang na-condone ng SSS.
Ayon kay Ignacio, aabot pa sa 70 percent na delinquent employers ang hindi pa nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
228