(NI DAHLIA S. ANIN)
NAKALABAS na sa Philippine Area of Reaponsibility (PAR) ang Bagyong Ineng na may International name na Bailu, pasado alas-6:00 ng gabi noong Sabado, ayon sa weather bureau Pagasa.
Gayunman, patuloy na mararanasan ang maulap at maulang panahon sa Kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o Hanging Habagat.
Kabilang dito ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, CAR, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA, na makakaranas din ng thunderstorms.
Huling namataan ang Bagyong Ineng, sa layong 500 kilometro Kanluran-HilagangKanluran ng Basco Batanes na patuloy na kumikilos palayo sa bansa.
Sa kabila nito, inaasahan namang papasok na sa bansa ngayong Lunes ang Low Pressure Area na huling namataan sa layong 1,695 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa Pagasa, posible umanong maging ganap na bagyo ang naturang LPA na maaring tumama sa Central o Northern Luzon.
436