SSS PENSIONERS BITIN ULIT SA DAGDAG- PENSYON

sss

(NI BERNARD TAGUINOD)

‘MALUPIT at insensitibo’.

Ganito inilarawan nina Bayan Muna chair Neri Colmenares at Rep. Carlos Zarate ang desisyon ng Social Security System (SSS) na ipagpalliban ang second tranche ng pensyon ng mga retiradong miyembro na nagkakahalaga ng P1,000 ngayong taon.

Ayon kina Colmenares at Zarate, kung gaano kabilis magpataw ng buwis ang gobyerno na nagpapahirap sa lahat ng mga tao ay kabaliktaran naman ito pagdating sa benepisyo.

Unang nagkaroon ng P1,000 increase sa SSS pension noong 2017 at susundan sana ngayong 2019 ng karagdagang P1,000 subalit ipinagliban ito ng SSS dahil iiksi umano ang buhay ng ahensya.

“Yung TRAIN law nga maski todo pahirap na sa mamamayan ipinatupad pa din ang second tranche, pero itong second tranche ng P2,000 SSS pension hike ay ayaw ipatupad. Makakatulong sana ito sa mga pensioners lalo pa at ang tataas na ng mga bilihin dahil sa TRAIN law pero ipinagkakait pa ito ng SSS,” ani Colmenares.

128

Related posts

Leave a Comment