SSS PRESIDENT DOOC NAGBITIW    

sss22

(NI BETH JULIAN)

SUNUD-SUNOD  na ang mga kumakalas sa mga Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magsumite na rin Miyerkoles ng kanyang resignation letter si SSS President Emmanuel Dooc.

Base sa pahayag mula sa SSS, noong Martes pa isinumite ni Dooc ang kanyang voluntary at irrevocable resignation.

Agad na tiniyak ni Dooc na maibibigay na sa Pangulo ang kanyang resignation para na rin mabigyan ito ng panahon para makapamili ng ipapalit sa kanyang nilisang puwesto.

Gayunman, hindi tinukoy ni Dooc ang dahilan nito kung bakit ito nagbitiw sa puwesto.

Matatandaan, noong Novermber 2016 nang italaga ng Pangulo si Dooc sa SSS.

Gayunman, pinasalamatan naman ni Dooc ang Pangulo sa oportunidad na ibinigay sa kanya sa pagtalaga nilang Pangulo ng SSS.

Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibbigay ng pahayag ang Malacanang kaugnay sa nasabing resignation.

8

Related posts

Leave a Comment