STRAT COMM TRAINING FACILITY ITATAYO SA BUKIDNON

martinandanar12

(NI BETH JULIAN)

KASADO na ang pagtatayo ng strategic communications training facility sa Manolo Fortich sa Bukidnon.

Layon nito na papaganda pa ang sektor ng komunikasyon sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang nasabing pasilidad na pinondohan ng Department of Finance (DoF) ay  magsisilbing training facility information office sa buong Pilipinas.

Sinabi ni Andanar na ang training center na itatayo ay mayroong community radio station, community TV station at social media newsroom.

Kayang i-accommodate ng dalawang classroom at dormitory ang nasa  60 katao.

Mula naman sa China ang mga communications equipment na nagkakahalaga ng P1 milyon sa PCOO kaya lubos na pasasalamat ang ipinaabot nito sa nasabing bansa.

 

166

Related posts

Leave a Comment