TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG ABRIL

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES)

MULI na namang magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Abril.

Batay sa abiso ng Meralco, nabatid na aabot ng P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang madaragdag sa April bill ng mga consumers.

Katumbas ito ng P12.60 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan at P18.90 para sa mga consumers na nakakagamit ng 300 kwh.

Nasa P25.20 naman ang madadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga tahanang nakakagamit ng 400 kwh at P31.50 naman sa mga nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan.

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ngayong buwan ay dulot ng pagmahal ng kuryente sa spot market, paghina ng palitan ng piso kontra dolyar at pagtaas ng generation charge ng P0.035/kwh.

Matatandaang noong Marso ay nagtaas rin ng siyam na sentimong singil sa kuryente ang Meralco.

Patuloy namang pinapayuhan ng Meralco ang mga consumers na magtipid ng kuryente dahil sa inaasahang lalo pang tataas ang konsumo ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

 

95

Related posts

Leave a Comment