‘SUICIDE GAME’ IPINABUBURA SA FB AT GOOGLE

fb1

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Facebook at Google na burahin ang account ng mga “demonyo” umano sa social media lalo na ang tinatawag na “suicide game”.

Maging ang mga iba pang net-based game na kinaadikan ng mga kabataan at mga account ng mga online-scammers ay dapat umanong burahin ng facebook at google upang maprotektaha, hindi lang ang mga kabataan kundi ng lahat ng mga netizens.

Ginawa ni Aangat Tayo party-list Rep. Neil Abayon, ang nasabing apela sa Facebook at Google matapos o Momo challenge na ang target ay ang mga kabataan.

Tinuturuan umano ang mga kabataan sa momo challenge kung papaano magpakamatay tulad ng pagsaksak sa kanilang sarili partikular na sa leeg na gawain lamang umano ito ng demonyo.

“Evil is running rampant in cyberspace and among the worst are the games and groups that promote suicide, bullying, human trafficking, and illegal investment schemes,” ani Abayon.

Bagama’t umiiral na ang batas hinggil sa Cybercime Law Republic Act (RA) 10175 at Anti-Bullying Law  o RA 1062, hindi umano kasama pa dito ang suicide games subalit magagamot umano ang problemang ito sa pamamagitan ng FB at Google.

148

Related posts

Leave a Comment