SUNDALO BAWAL NANG GAWING ESCORT

SUNDALO-8

UPANG hindi na magamit bilang private armies o sekyu ng mga politiko at iba pang personalidad ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines ay hindi na sila papayagan na maging security escort o bodyguards ng government at civilian officials.

Ito ang layunin ng inilabas na panibagong guidelines ng Department of National Defense (DND).

Base sa inisyung pahayag ni Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, sa bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order 98 (EO 98) Series of 2019 ni Pang. Rodrigo Duterte,  hindi na papayagan ang mga military pesonnel na magsilbing bodyguards ng mga government at civilian officials.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, ang mga sundalo ay maaari lamang maging security escort sa mga entitled civilian offices at officials bilang aide-de-camp, military assistants o military administrative assistant base sa paiiraling IRR.

Hindi na umano palalawigin pa ang assigment o details ng mga military personnel na nakatalaga bilang bodyguards o security aide/escort ng mga politiko o VIPs.

Para makatupad sa sinumpaang mandato ay ipinauubaya na sa Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng security service/escort sa mga nasabing indibidwal.

Ayon kay Andolong, mag-iisyu rin ng magkahiwalay na rules and regulations ang DND at DILG para sa agarang implementation ng EO 98.

Ang mga maaari lamang magkaroon ng military assistants sa ilalim ng bagong IRR ay ang Senate president, Speaker of the House, national security adviser at NICA director general. (JESSE KABEL)

273

Related posts

Leave a Comment