SUNDALONG NAGBEBENTA NG ARMAS, BALA SA REBELDE KIKILALANIN

army

(NI BERNARD TAGUINOD) Hubaran na ng maskara at panagutin ang mga traydor sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbebenta ng armas at bala sa mga kabalan ng estado partikular na ang Abu Sayyaf at Maute group.

Ito ang iginiit ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos maaresto ang mag-asawang gun runners na sina Edgardo at Rosemarie Medel, kung saan nakumpiska sa mga ito mga armas at bala ng pag-aari umano ng Philippine Army.

Ayon kay Alejano, ang pagbebenta ng mga armas at bala sa mga kalaban ng estado ang isa sa mga dahilan kung bakit nagaklas ang kanilang grupo noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal Arroyo.Magugunita na noong Hulyo 27, 2007 ay nag-aklas ang mga sundalo sa pangunguna ng noo’y i Navy Captain at ngayo’y Sen. Antonio Trillanes IV na mas kilala sa Oakwood Munity.

“Ang problemang ito ay isa sa mga dahilan na nagtulak sa amin sa Magdalo na magprotesta laban sa gobyerno. Nakakadismaya na tila nangyayari muli ito ngayon,” ani Alejano, dating Marine Captain. Dahi dito, maghahain aniya ito ng resolusyon sa Kamara para sa isang seryosong imbestigasyon kung papaano nakakalabas ang mga armas at bala ng puwersa ng pamahalaan at ibinebenta ito sa mga kalaban ng estado. Kailangang matapos na aniya ang ganitong katiwalian sa military kaya gagawa umano ang mga ito ng batas na tatapos sa mga tiwali sa militar dahil hindi lang ang seguridad ng bansa ang kanilang isinasakripisyo kundi ang buhay ng mga sundalo.

250

Related posts

Leave a Comment