(NI ABBY MENDOZA)
APRUBADO na ng House Committee on Health ang substitute bill na layong maestablisa ang Malasakit Program at ma-institutionalize ito sa mga mga ospital.
Ang Malasakit Center na nagsisilbing one-stop-shop para sa mga pasyenteng nangangailangan ng financial assistance pero hindi sila sakop ng benepisyo ng PhilHealth ay programa ni Sen Bong Go, subalit sa oras na maisabatas ito ay popondogan na ang programa at magkakaroon ng na center sa lahat ng mga government hospitals.
Sa kasalukuyan ay mayroong 35 Malasakit Centers ang nakabukas sa iba’t-ibang ospital sa bansa.
Sa oras na maisabatas, sakop ng Malasakit Centers ang medical services na hindi binabayaran ng PhilHealth gaya ng laboratory, imaging at iba pang diagnostic procedures; mga gamot; supplies; orthopedic at assistive devices, prosthesis, blood at blood products; dental services; at medical at surgical procedures.
Sakop din ng Malasakit Program Act ang post hospitalization rehabilitation services, aftercare program, mental at psychological support; bayarin sa ospital pati na ang professional fees at iba pang medical, health, documentary at kaugnay na serbisyo na sinisingil ng mga ospital.
“ The program will ensure to lessen the financial burden of incapacitated patients through streamlined financial and medical assistance. Aside from being a one-stop shop, the Malasakit Center also provides patient navigation and referral in receiving hospital services and medical and financial assistance,” nakasaad sa panukala.
Matatandaan na una nang naging kontrobersiyal ang nasabing panukala matapos na birahin ni Albay Rep Edcel Lagman ang programa na ginagamit lamang umano sa partisan politics.
119