(NI JEDI PIA REYES)
DALAWANG araw na magkasunod mula ng pumasok ang buwan ang Abril nang makaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon.
Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes.
Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants.
Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon kay Department of Energy Assistant Secretary Redentor Delola, aabot sa 1,226 megawatts na kuryente ang kinapos nang magkaroon ng hindi inaasahang shutdown ang mga power plant ng Masinloc 2 (344 MW), Pagbilao 1 (382 MW), SLTEC 1 (150 MW) at Malaya 2 (350 MW).
Itinataas ang Yellow Alert kung mababa ang reserbang kuryente at masyadong mataas ang demand kumpara sa suplay nito.
Aabot sa 10,985 MW ang capacity ng Luzon grid pero pumapalo sa 9,980 MW ang peak demand o pangangailangang suplay ng mga konsyumer.
159