DUTERTE KAY ORETA: ARESTO O 1 BUWAN LINIS-DROGA SA MALABON?

duterte lenlen12

(NI BETH JULIAN)

TINANINGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III ng hanggang isang buwan para resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa Malabon City.

Kasabay nito ay binalaan ng Pangulo si Oreta na aarestuhin ito kapag nabigong ayusin ang illegal drug problem sa kanyang nasasakupan.

“Mayor linisin mo ang Malabon mo, bigyan kita ng isang buwan. Sabihin ko kay Cong. Ricky Sandoval, sorry na lang ha pahuli ko mayor niyo. Itapon na lang sa Manila Bay,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa kampanya ng PDP-Laban sa Malabon.

Sa ngayon ay target ni Oreta ang reelection sa Mayo para sa kanyang huling termino kung saan kalaban nito ang misis ni Sandoval sa mayoralty race.

Tumatakbo si Oreta sa ilalim ng Liberal Party at pinsan ito ni opposition Senator Bam Aquino habang ang mag-asawang Sandoval ay tumatakbo sa ilalim ng partido ni Dutete na PDP-Laban.

172

Related posts

Leave a Comment