SURGICAL AIRSTRIKE INILUNSAD SA KUTA NG 200 ASG

abu1

(NI JG TUMBADO)

SUNUD-SUNOD ang isinagawang ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panibagong opensiba na inilunsad sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu Biyernes ng umaga.

Ito ang inihayag ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort, kung saan ay nag-deploy sila ng air assets mula alas 6:40 ng umaga para atakihin ang pinaniniwalaang balwarte ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Patikul.

Ito ay makaraang makumpirma ng militar ang impormasyon na may nakakalat na mahigit 200 terorista sa lugar.

Nakatanggap din sila ng ulat na nagpaplano umano ng panibagong terror attacks ang mga lider ng ISIS-inspired terror group na sina Radulan Sahiron at Hajan Sawadjaan.

Nagpapatuloy pa umano ang naturang aerial attacks sa lugar kung saan ay kasabay din ang pagdedeploy ng ground troops para makorner ang mga nagsisitakas na mga terorista palayo sa pambobomba sa kanila.

 

147

Related posts

Leave a Comment