IDINEKLARA na ng Pagasa ang simula ng rainy season.
Sa statement, sinabi ng Pagasa na ito ay bunsod ng pagkakaroon ng kalat-kalat at minsan ay malawakang pag-ulan na iniugnay sa Southwest Monsoon.
Magpapatuloy ang pag-ulan sa bansa, partikular sa western sections ng Luzon at Visayas.
Sinabi ng Pagasa na ang ‘monsoon breaks’ o maiikling putol-putol na pag-ulan ay posibleng maranasan ng ilang araw o linggo.
Inaasahan ng Pagasa na pagbagsak ng ulan sa Hulyo na mas mataas sa normal sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang kondisyon ng pag-ulan sa Minadanao at Southern Visayas ay inaasahang “generally below normal,” ayon pa sa Pagasa.
Gayunman, sinabi ng Pagasa na ang El Nino na naramdaman sa tropical Pacific simula noong huling mga buwan ng 2018 ay magpapatuloy ngayong Hunyo, Hulyo at Agosto.
Nagbabala rin ang weather bureau sa publiko na paghandaan ang pagdating ng tag-ulan.
163