‘TAHO GIRL’ GAGAWING UNDESIRABLE ALIEN

chinese1

(NI LILY REYES)

HINDI pinalagpas ni National Capital Region Police Office (NCRPO)  Director, PDIR Guillermo Lorenzo Eleazar , ang kabastusang ginawa ng isang Chinese National sa isang kagawad ng Philippine National Police  (PNP) .

Dahil dito, irerekomenda ni Eleazar na gawing undesirable alien ang babae.

Sinabi ni Eleazar na dapat managot  si  Jiale Zhang, 23, estudyante ng  School of Fashion  sa Sofa Design  Institute at nakatira sa  Axis Residences, Mandaluyong City,  sa kanyang  ginawa kay PO1 William Cristobal , miyembro ng  RMFB 4TH MFC.

Matatandaan na ang Chinese national  na babae  ay pumasok sa  baggage  inspection  area   ng Boni  Avenue Station  ng MRT  na may  dala-dalang  “taho”  bago mag-tanghali ng Sabado.

Ayon sa report , hinarang ng pulis na si PO1 William Cristobal ang Chinese national dahil sa dala nitong inumin na taho na ipinagbabawal ngayon sa mga tren ng MRT at LRT, pero habang  nagpapaliwanag  umano ang police  ay binuhos  ng babaeng Chinese national  ang inumin nitong taho.

Agad na inaresto ng mga pulis ang babaeng banyaga at dinala sa himpilan  ng Mandaluyong Police Station .

Nang malaman ni Eleazar ang insidente ay agad itong pumunta sa  Mandaluyong police  para  harapin ang  inarestong Chinese National na estudyante.

Sinabi pa rin ni Eleazar na  kanilang irerekomenda  para maging  undesirable  alien ang     nasabing   Chinese national .

“ We will recommend  for her  to be considered alien, she has to suffer  the consequences    ng  kanyang ginawa “ dagdag pa ng NCRPO Chief.

Habang  kausap ng Chinese  si NCRPO Chief ay  humingi ito ng tawad at inaming  na hindi  nila alam na may  umiiral  na  batas  ang  mga awtoridad dito.

Nahaharap ang Chinese student ng mga kasong disobedience to agent of person of authority at direct assault.

 

 

86

Related posts

Leave a Comment