TALAGANG NANGANGAMOY PORK ANG P3.7-T BADYET

SEN LACSON-2.jpg

(Ni NOEL ABUEL)

MARAMI pang kongresista ang makikinabang ng pork barrel sa panukalang P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon.

Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson kung saan ang mga distritong nalagyan ng pork na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay kilalang ‘tuta’ ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Lacson, higit tig-isang bilyon din ang pork nila.

Aniya, ang “common denominator” ng mga kongresistang nalagyan ng pork barrel ang kani-kanilang mga distrito ay hawak ng mga kongresistang nakadikit Arroyo.

Inihalimbawa ng senador ang isang distrito sa Bohol at Surigao.

Hindi niya inihayag ang mga pangalan ng dalawang mambabatas.

“May nakita kaming bago, may distrito sa Bohol, may distrito sa Surigao. Ang pattern makikita mo pagkana-identify mo sino ang congressman sa district na medyo malaki at biglang lumobo, isa lang ang common denominator. Malapit sa Speaker,” ratsada ni Lacson.

5

Related posts

Leave a Comment