Tanong kay Marikina 2nd District Quimbo MULTI-MILYONG FLOOD CONTROL PROJECTS NASAAN?

UMAALMA ang mga residente ng Distrito Dos ng Marikina City kung bakit nakararanas sila ng matinding pagbaha, sa kabila ng milyun-milyong pisong flood control projects ni 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Ngayon, sinisingil ng mga residente si Quimbo kung saan napunta ang napakalaking budget para sa mga flood control project.

Ayon sa Facebook video post ng isang netizen, napakaraming flood control projects sa 2nd District ang nakalista sa pangalan ni Quimbo. Kung susumahin, nasa mahigit kalahating bilyong piso ang halaga ng flood control projects ang nakalaan para sa siyudad ng Marikina.

Nagtataka ang mga ka-distrito ni Quimbo kung bakit sila binabaha kahit napakaraming proyekto ang nasa ilalim ng mambabatas.

“Pansin ko lang po, Dati di naman binabaha sa District 2. San na po kaya flood control projects nito?” tanong ng isang netizen.

Umani rin ng batikos si Quimbo sa video post ng Marikina’s Patok Socialist Union kung saan makikita ang matinding pagbaha sa Liwasang Kalayaan malapit sa East Drive.

“Si Stella talaga dapat ang sisihin dito kung bakit laging binabaha diyan,” komento ng isang netizen sa post.

“Saan na ba kasi napunta yung budget para sa flood control project para dito,” tanong naman ng isang Facebook user.

Pati mga taga-Cainta ay naglabas na rin ng sama ng loob kay Quimbo dahil maging sila ay nakaranas na ng matinding pagbaha dahil sa ipinagawang pumping station ng mambabatas.

Napabalita na isang concerned citizen ang naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Quimbo dahil sa maluho umano itong pamumuhay.

Ang reklamo, na may docket na TN-C-24-1087-E, ay ni-refer na kay Caroline de Leon, officer in charge ng Central Records Division ng Office of the Ombudsman.

Isinampa ang reklamo kasunod ng panawagan ni dating presidential spokesperson at legal counsel Salvador Panelo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang “unexplained wealth” ni Quimbo.

34

Related posts

Leave a Comment