TASK FORCE EL NINO BINUHAY MULI

elnino2

(NI CHRISTIAN  DALE)

BINUHAY muli ng pamahalaan ang Task Force El Niño bilang paghahanda sa epekto ng tag-tuyot.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, handa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na manguna sa pagtugon sa magiging epekto ng El Niño.

Maaari aniya na mas mapaghandaan ang epekto nito sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng mga dati nang naranasan ng bansa.

Tinuran pa ng kalihim na isasama na nila sa kanilang areas of concern ang water security na dapat maging prayoridad kasunod ng seguridad sa pagkain.

Nauna nang binuo ang nasabing task force noong 2015 bunsod ng naranasang matinding epekto ng El Niño.

94

Related posts

Leave a Comment