IKA-8 TAAS PRESYO SA GASOLINA SA MARTES

oil

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaamba na naman sa pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa talaan ng Department of Energy (DoE) ito na ang magiging ika-walong sunod na linggo na mayroong pagtaas sa presyo ng mga langis,

Ayon sa ilang kompanya ng langis, sa kanilang pagtaya base sa trading nitong nagdaang mga araw, aabot sa pagitan ng P0.35 hanggang P0.40 centavos ang maaring madagdag sa kada litro ng diesel.

Habang nasa P0.5 centavos naman hanggang 10 centavos kada litro ang idadagda sa presyo ng gasolina.

Posibleng mababago pa ang nasabing pagtaya depende sa naging resulta ng trading nito.

Sa weekend ay inaasahang ia-anunsyo ng mga kompanya ng langis ang eksaktong halaga ng idaragdag sa presyo ng kanilang produkto.

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ang oil price adjustment.

 

 

 

98

Related posts

Leave a Comment