TASK FORCE VS TIWALI BINUO

dar

(NI LILIBETH JULIAN)

SA layong mapalakas pa ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno, bumuo ng isang anti-corruption task force ang Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang nasabing task force ay katuwang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas lalo pang paigtingin ang inisyatibo nito na labanan at linisin ang pamahalaan sa mga tiwaling kasapi nito.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ang DAR Anti-Corruption Task Force ang tututok at magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga impormasyong tinatanggap ng ahensya na may kaugnayan sa mga tiwaling kasapi ng pamahalaan.

“May mga intelligence reports kaming natatanggap kaugnay sa mga tao at organisasyong nagpapakilalang may koneksyon at impluwensya sa mga nakabinbing kaso at aplikasyon sa DAR, ito ang tututukan ng binuong Task Force,” pahayag ni Castriciones.

Sinabi ni Castriciones, base sa tinanggap na sumbong, ang mga nasabing tiwaling grupo ay humihingi ng pera kapalit ng kanilang serbisyo kaya mahalaga na maimbestigahan ang mga ito para malinis ang ahensya mula sa mga opisyal at kawaning sangkot sa ilegal na transaksyon.

“Alam naman po natin na ang ating Pangulo ay mahigpit ang kanyang pagpapatupad ng batas at ayaw niyang ang kanyang administrasyon ay magkaroon ng bahid tungkol sa cortuption kaya ako ay nakikiusap at humihingi ng kooperasyon sa ating mga empleyado at mga opisyal sa departamento na tayo ay magtulong-tulong,” pahayag ni Castriciones.

Mahigpit ang kautusan ni Castriciones sa binubuo ng nasabing task force na tumutok sa problemang ito,” wika pa ni Castriciones.

 

5

Related posts

Leave a Comment