DUTERTE, SIMBAHAN PAGBABATIIN

digong

(NI NOEL ABUEL)

TATANGKAIN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mamagitan sa Pangulo at sa mga obispo at pari upang matapos na ang kanilang bangayan.

Naniniwala umano ito na may posibilidad na may iba-ibang sumbong na nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kawani ng Simbahang Katolika kaya’t matindi ang gigil nito sa mga obispo at pari.

“Maganda siguro, subukan natin mag-mediate, marami ako kaibigan sa CBCP. Every now and then naman nakakausap ko si Presidente. Subukan natin tanungin ko,” saad ni Sotto.

Idinagdag pa nito na dahil kadalasan naman umano sa mga pangaral o homily ng mga pari ay wala siyang naririnig na binabanggit na pangalan na kanilang binabatikos.

“Madalas naman, hindi naman sila nagbabanggit ng pangalan kahit sa eleksyon. Ang binabanggit nila qualities, qualification o disqualification. In this case, I really don’t know, hindi ko kasi naririnig sinasabi ng Presidente. Kung talagang siya binabanggit siya, may karapatan magalit ang Presidente,” saad ni Sotto.

“Baka may naggagatong lang kay Presidente na sabi ng mga obispo,” dagdag nito.

Malaki umano ang posibilidad na kapag mayroon lamang na nagparating ng sumbong sa Pangulo ay nadaragdagan na ito.

“Baka hindi sa homily binabanggit ‘yan. Baka sa labas ‘yan tapos may nagkwento ng eksaherado. Alam mo naman sa atin yung 1+1 = 2, pag kinuwento 3 na. Subukan natin wala naman mawawala,” diin nito.

5

Related posts

Leave a Comment